Sa Diyos, Sa Tao.
Serbisyong Totoo!

LGA

 


 




INILAPIT NG GMAC ANG LUNGSOD NG MANDAUE SA KANILANG RESIDENTE
PAKIKI-ISA NG MGA PRIBADONG SAMAHAN SA GMAC
MAGANDANG KINABUKASAN NG DAHIL SA GMAC
GMAC MABILIS UMAKSYON
BARANGAY 175, ZONE 15, DISTRICT I CALOOCAN CITY


INILAPIT NG GMAC ANG LUNGSOD NG MANDAUE SA KANILANG RESIDENTE

Ang Lungsod ng Mandaue ay buong-buo ang suporta sa Gabay sa Mamamayan Action Center. Sila ay naglaan ng halagang Php2.3M para sa GMAC. Bumili sila ng 27 computers at isa-isang binigyan ang bawat barangay ng Mandaue.

Hangarin nila na sa pamamagitan ng GMAC ay mabigyan ng sapat na impormasyon
ang mga tao. Kung anu-ano ang mga proyekto at serbisyo ng Lungsod ang maaaring
ibigay sa mga residente nito at maging ang proyekto at serbisyo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan na mayroon sa nasabing lungsod.

Sa ngayon, ang lahat ng computer ay nakakonekta sa Lungsod ng Mandaue. Sa pamamagitan nito, ang mga proyekto at serbisyo ay madaling makarating sa tao at pangangailangan ng mamamayan ay madaling maibigay at matugunan. Sa pagkakaroon ng GMAC, nailapit sa isat-isa ang mga tao at ang lokal na pamahalaan.

Sa mga darating na araw, balak nila na ikonekta din ang mga komputer na ito sa iba pang sangay ng gobyerno at mga institusyong pinansiyal. Ang kasagutan sa kanilang problema ay GMAC lang ang katapat.


PAKIKI-ISA NG MGA PRIBADONG SAMAHAN SA GMAC

Ang mga opisyal ng Barangay Talugtug Loaoc, Pangasinan ay lumapit sa mga pribadong samahan ng kanilang bayan upang ilapit ang layunin ng GMAC na maging sentro ng impormasyon. Tumugon ang mga pribadong at nagbigay ng mga libro at magasin. Kayat ang GMAC sa ngayon ay di lamang lugar na mapagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa mga proyekto at serbisyo ng nasyonal at lokal na pamahalaan. Ito rin sa ngayon ay naging sentro ng pagbabasa.

Binigyan nila ng gawain ang bawat Information Officer na mangalap ng mga babasahin ukol sa pagsasaka, kabuhayan, pamamasukan at iba pa na maaaring pakinabangan ng mga mamamayan. At para mas marami pa ang makaalam ng mga babasahin, ang barangay ay kusang gumagastos para maparami ang mga ito.

Ginagamit din nila ang GMAC bilang tanggapan ng sulat at sila mismo ang nagdedeliver ng sulat sa kanilang mga residente at maging ang mga sulat ng di kompleto ang address ay kanila itong hinahanap upang makarating sa kinauukulan.


MAGANDANG KINABUKASAN NG DAHIL SA GMAC

Noong ika-21 ng Marso, 2003, inilunsad ang GMAC sa Barangay Pinagkawitan, Lungsod ng Lipa sa pangunguna ni PB Rogelio M. Maldonado sa tulong at suporta ni Kagalanggalang Vilma Santos-Recto Punong Lungsod. Ito ay Dinaluhan ng mga iba’t –
bang opisyales at kawani ng gobyerno sa pangunguna ni Kgg. Kalihim Jose D. Lina Jr. ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan.

Ibat-ibang tulong ang isinasagawa ng pamunuan ng GMAC tulad ng paghahatid sa ospital ng mga taong may karamdaman at libreng gamot.

Makalipas ang ilang buwan ang Barangay Pinagkawitan ay nakapagbigay ng tatlumput-pito referral sa Zodel Feed Mills Inc. para sa mga taong nangangailangan ng trabaho. Salamat sa GMAC at opisyal ng Barangay Pinagkawitan lalo kay PB Rogelio M. Maldonado at nabigyan ng magandang hanapbuhay ang kanyang kabarangay. Sa ngayon naging maayos at maganda na ang takbo ng hanapbuhay ng pamilya nila.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng nabanggit na Barangay sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong kompanya para mabigyan ng magandang bukas ang kanilang mga kababayan.

Bilang programa ng gobyerno, itinatag at itinaguyod namin ang Gabay sa Mamamayan Akyon Center (GMAC) sa pangunguna ko kasama ang aking mga kasamahang mga Kagawad” ito ang pinakabungad na pangungusap ni Punong Barangay Efren C. Dela Cruz. Nagsagawa sila ng sunod-sunod na kampanya para ipaalam sa kanilang mga kababayan na magtatayo ng GMAC. Ipinaalam din nila ang magandang layunin ng proyekto.

Ang laki ng nagawa ng proyektong ito para makatulong sa aking mga kabarangay. Kabilang na ang medical mission noong nakaraang Hulyo 26, 2003 at ang mga natulungan ni Kagawad Castro sa paghahanap ng mga trabaho lalong lalo na ang labing apat (14) na kababayan namin na malapit ng makapagtrabaho sa abroad” sabi ni Kapitan habang tinawag niya si Kagawad Castro para ipakita ang mga listahan ng mga natulungan sa ginawang medical mission sa kanilang barangay at ang kopya ng job advertisement.

Sa Kabuuan, nakatulong sila sa Siyamnapu’t lima (95) na kabarangay sa kanilang isinagawang medical mission na kabilang sa health services ng GMAC na pinopromote nila. Ang mga kasama nila sa medical mission na ito ay Rotary Club, Lions’ Club at 1st Baptist. Personal na nagbibigay pasasalamat ang mga kababayan nilang nabiyayaan ng naturang medical mission.

Sa Livelihood and Job Opportunities na hawak ko, natulungan ko personally ang labing apat na kababayan namin na magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Taiwan” sabi ni Kag. Carlito N. Castro. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang kakilala at kasamahan sa Lions’ Club na si Mr. Nicolas Sicat na siyang pinuno ng Lifeline International Philippines, Inc.. Ang naturang ahensiya ay nangailangan ng mga trabahador sa larangan ng electronics, textile at plastics. Sa kabutihang palad, ginamit ni Mr. Castro ang GMAC pigeon hole para doon niya iposte ang anunsiyo ng ahensiya at dahil dito nakita ng mga bumisita sa GMAC ang anunsiyo at kaagad nilang pinaalam kay kagawad ang kanilang intensiyon na makapag-apply ng trabaho. “ Personal ko silang sinamahan sa kaibigan ko para kaagad silang matulungan. Sa kabutihang palad naman kaagad silang nakapasa sa screening at initial interview” sabi ni Kagawad Castro. Nagpasalamat ng personal sa kanya ang kanyang mga natulungan. Final interview na lang ang hinihintay at pwede ng makapagtrabaho sa Taiwan ang kanilang mga kababayan.

Walang ibang gagawin ang mga Barangay Opisyal ng Sto Cristo kundi ipagpatuloy ang kanilang magandang intensyon para makatulong lalo sa kanilang mga kababayan. Patuloy silang mag-iikot at mangangalap ng mga information materials sa iba’t ibang ahensiya para maipagpatuloy ang magandang simula ng proyekto ng GMAC. Ito ang mga binitiwang salita ni Punong Barangay Dela Cruz at Kagawad Castro para makamit ang mga magandang layunin ng GMAC.


GMAC MABILIS UMAKSYON

Ang Executive Order 130 na may titulo GMAC sa Barangay ay inilunsad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika 30 ng taong 2002 at naaayon sa Bata ng Local Government Code Book I. Ang batas na ito ay naglalayon na mapadali ang serbisyo ng lahat ng ahensiya ng local o national na pamahalaan. Ito ay unang inilunsad sa kalakhang Maynila.


BARANGAY 175, ZONE 15, DISTRICT I CALOOCAN CITY

Ang pamunuan ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Alfredo M. Estrella ay nakatulong sa 21 na katao para makahingi ng pinancial na pangangailangan sa PCSO. Pitong (7) katao para sa libreng abogado sa legal na assistance at anim (6) na tao para sa mabilis na makakuha ng pasaporte sa DFA.

 

 Copyright 2004 DILG-LGA. All Rights Reserved